Sa lugar na kilalang magulo, di alintana ang kasiyahan ng mga taga-tundo.
kung ika'y nababahala sa mga kritiko na nambabato patungkol sa bayan ko, pwes ipinagmamalaki ko na dito ako isinilang at dito namulat ang aking isipan!
Iilan sa ating mga Pilipino ay kung makarinig ng "taga-TUNDO". may kaniya-kaniyang haka-haka agad na, kesyo
"ganito yan,"
"nakakatakot yan,"
"siga yan"
"basagulero yan!",

Kung ika'y nababahala sa mga taga-tundo, pwes alisin mo yan sa isipan mo. Dahil sa lugar ng mga siga na kung saan isinilang ang mga kriminal.Kabaligtaran sa lahat ng iyong negatibong isipan, kung makikita mo sa larawan na masayang, idinadaos ng mga taga-tundo ang kapistahan ng aming mahal na poong Sto. Niño de Tondo.
Paglilinaw lang sa mga gustong pumunta sa lugar namin. Halos ilan lang naman ang mga masasamang tao dito. Kung tutuusin nga dapat wala kang katakutan sa mga adik, matakot sa mga taong plastik.
"Wag kang matakot sa mga adik, matakot sa mga taong plastik".
Sa tondo mo lang mararanasan na ang mga pinaghihinalaan ay mas matalino pa sa edukado, na halos di mo mahalata na may alam sa lipunan, dahil sa kanilang kasuotan. Kaya't wag mong maliitin ang isang taong lumaki sa tondo, marumi man ang aming imahe dahil sa lumalawak na populasyon dito. Mas marami pa rin sa amin ang Edukado.
Tuwing ikatlong linggo ng Enero taon-taon, ay maraming tradisyon ang napapanatili ng mga taga-tundo. Katulad na lamang ng Lakbayaw festival, na pinaniniwalaan ng iilan. Sa kanilang pagsasayaw para sa pinakabatang santo na ang ating mahal na poong, Sto. Niño, naniniwala ang iilan lalo na ang mga kabataan na matutupad ang kanilang mga hilingin dahil lamang sa kulturang pagsasayaw na ito. Ito ang karaniwang beryon ng "Sinulog sa Cebu", pero sa tondo ito ay tinatawag na Lakbayaw.
Ilan sa mga kilalang tribu ay ang
- SIETE PARES
- DUGONG MANILEÑO
- BATANG WAGAS
- MEJORADA TRIBE
Sa bawat kalye at distrito ng tondo, masisilayan mo ang mga nagkalat na mga kalokohan ng mga taga-tundo, nariyan na napapanatili pa rin nila ang mga larong pinoy na:
- BASAGAN NG PALAYOK
- PALA-AGAW NG BARYA
- PAGSASAYAW KAY STO.NIÑO
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento